-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Worlds No. 12 Croatia ang ika-41 sa ranking na Canada para ilaglag sa susunod na round ng nagpapatuloy na FIFA World Cup.

Unang naka-score ang Canada sa ikalawang minuto lamang ng match sa pamamagitan ni Alphonso Davies.

Pero pagsapit ng ika-36 na minuto ay dito na naitabla ng Croatia ang score matapos maka-goal si Andrej Kramaric.

Sinundan ito ng goal ni Marko Livaja sa ika-44 na minuto at nasundan na sa ika-70 minuto sa pamamagitan ni Kramaric.

Muli namang umiskor ang si Lovro Majer ng Croatia sa huling mga minuto ng laro.