Inamin ng Department of Health (DOH) na sa nasa “danger zone” na ang critical care capacity o intensive care unit (ICU) beds ng mga ospital sa Metro Manila.
Ito ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, batay ito sa inilatag na tracker system ng DOH.
“Actually, the critical bed capacity especially for the ICUs, according to our data, nasa danger zone. It’s about mga 70 percent. Tumataas ngayon ang occupancy ng COVID isolation beds. Nata-track po namin ito through the bed tracker system ng Department of Health at ito po ay kasama sa aming mga dashboard…’Yung ating ICU beds, ito rin ay dahan dahang tumataas,” ani Usec. Vega
Kaugnay nito, inaatasan ng DOH ang mga pribadong ospital na maglaan ng 30 posyento ng kanilang bed capacity para sa mga pasyente ng COVID-19.
Inihahanda na rin ngayon ng DOH ang mga pampublikong ospital.
“We are trying to prepare the public hospitals, especially the government hospitals na they have to adjust in the number of their ICU beds because we have to be ready for this because we are in a crisis,” dagdag ni Usec. Vega.
Magugunitang noong nakaraang linggo lamang, inanunsyo ng DOH na puno na rin ang critical care capacity ng 11 ospital sa Metro Manila.
Kabilang dito ang Veterans Memorial Medical Center, UST Hospital, University of Perpetual Help Medical Center, Tondo Medical Center, Seamen’s Hospital, Philippine Children Medical Center, Metro North Medical Center and Hospital, Las Piñas Doctors Hospital, De Los Santos Medical Center, Chinese General Hospital and Medical Center at Capitol Medical Center.