-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni Portuguese football star Cristiano Ronaldo matapos na kunin siya ng Saudi Arabian club na Al Nassr.

Sinabi nito na ang kaniyang paglipat ay matapos na halos lahat na ay kaniyang napanalunan sa Europe.

Wala aniya ito ng pagsisisi dahil natapos na aniya ang paglalaro niya sa Europa.

Dagdag pa ng 37-anyos na si Ronaldo na maraming mga football club ang nagkainteres na kunin siya.

Base sa inilabas na ulat sa Saudi Arabia na kikita ng hindi bababa sa $200 milyon kada taon si Ronaldo.