Nagpaliwanag ang Department of Health (DoH) ukol sa naging cremation process sa labi ng Chinese na kauna-unahang nagpositibo sa Wuhan coronavirus – accute resperatory disease.

Ayon sa kagawaran, nakipag-coordinate sila sa Chinese government hinggil sa bagay na ito at ang embahada raw ang gumawa ng aksyon para maisaayos ang labi.

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na ang virus ay namamatay na rin sa katawan ng biktima kapag binawian ng buhay ang host body nito.

Ilan sa options ang paglilibing agad sa bansang kinamatayan o kaya ay pagsasailalim nito sa cremation.