-- Advertisements --

Abot-kamay na lamang ng Creamline Cool Smashers ang kampeonato matapos makuha ang unang panalo laban sa PetroGazz sa finals ng Premier Volleyball League Open Conference.

Umabot pa sa anim na set ang laro kung saan hindi hinayaan ng Creamline ang nasabing laro at tuluyang nakuha ang panalo sa score na 25-16, 23-25, 25-12, 32-30.

Nanguna sa panalo ng Cool Smashers si Alyssa Valdez at Tots Carlos na kapwa nagtala ng 25 points.

Target ng Cool Smashers na makuha muli ang panalo sa Game 2 para maitala ang kauna-unahang kampeonato.