-- Advertisements --
Umakyat na sa 383,113 ang kabuuang bilang ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.
Ito’y matapos nadagdag ngayong araw ng Linggo kasabay ng Super Typhoon Rolly ang 2,396 panibagong kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga dumagdag na bilang ang Davao City na may 148 bagong COVID case, Quezon City na may 146, Laguna na may 122, Cavite na may 112, at Benguet na may 100 panibagong kaso ng deadly virus.
Nitong hapon, sinabi ng Department of Health na 17 ang panibagong nasawi, dahilan upang lumobo pa sa 7,238 ang death toll sa Pilipinas.
Nakapagtala rin naman ng 17,727 new recoveries.