-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tuloy pa rin ang taunang Tabak Festival sa Tabaco City sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro, lahat ng aktibidad ng nasabing festival ay isasagawa sa kanilang Facebook page na Tabak Festival 2020.

Marami aniyang mga patimpalak kasama na ang mobile legends online tournament, face mask at jingle competition, family tiktok challenge, hugot spoken words poetry contest, istorya ng Pag-asa online edition, photography contest, pet costume competition at iba pa.

Sa mechanics ng competition, kailangan lang na mag-post ng picture o maikling video ng kanilang entries ang mga contestant na magpapataasan na makukuhang likes.

Maliban dito, mula Hunyo 22 hanggang 24 ay magkakaroon ng online concert na live na ipapalabas sa kanilang page kung saan bibida ang performance ng mga local artist ng Tabaco.