-- Advertisements --
Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,266 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Dahil dito ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa ay 530,118 na mula sa nakalipas na taon.
Sa ngayon merong 5.9% o katumbas na 31,455 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 92.0% (487,721) na ang gumaling, at 2.06% (10,942) ang namatay.
Mayroon kasing panibagong naitalang 130 na gumaling at 68 naman ang mga bagong namatay mula sa deadly virus.
Umaabot naman sa 19 na kaso na dati ay naiulat na nakarekober ay napag-alaman na namatay ang mga ito makaraan ang final validation.
Meron naman pitong mga laboratoryo ang nabigong makapagsumite ng data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).
















