-- Advertisements --

Nakikiusap ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa mga mambabatas na tumulong na rin upang mapabilis ang commercial distribution ng COVID-19 vaccines.

Sa pagdinig ng House Committee on Economic Affairs, sinabi ni ULAP president Quirino Gov. Dakila Cua na kapag commercially available na ang mga COVID-19 vaccines ay mas maraming indibidwal ang magkakaroon ng proteksyon laban sa naturang sakit.

Makaktulong aniya ito para sa national government sa pagpapanatili rin ng herd immunity.

Bukod dito, nakikita rin nila ang papel ng hakbang na ito pagdating naman sa pagtuturok ng booster shots.

Magugunita na sa mga nakalipas na buwan ay umaasa lamang ang mga Pilipino sa COVID-19 vaccination program ng national government, na mayroong sinusunod na priority groups.

Ang mga bakunang available kasi ngayon sa Pilipinas ay ginagamit sa ilalim ng emergency use authorization.