Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng publiko kaugnay sa mga bakuna laban sa COVID-19 na balak bilhin sa China.
Magugunitang sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na pagsapit ng Disyembre ay available na ang mga bakuna at nangako umano ang China na prayoridad nila ang Pilipinas na susuplayan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, matapos ang mga trials at maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng China, dadaan pa ang mga bakuna sa ating sariling clearance.
Ayon kay Pangulong Duterte, maging ang mga manggagaling sa US at United Kingdom ay sasailalim din sa pagsusuri ng mga eksperto sa bansa partikular sa FDA bago ipagamit sa publiko.
Makakaasa daw ang mga mahihirap dahil sila ang uunahing bigyan ng bakuna at libre pa.
















