-- Advertisements --

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na babalik na sa normal ang Pilipinas pagsapit ng Disyembre dahil magkakaroon na tayo ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa China.

Sa kanyang taped public address na ipinalabas kaninang alas 9 ng umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na nangako na umano ang China na isa ang Pilipinas sa prayoridad na bibigyan ng bakuna sa oras na available na ang kanilang dine-develope na nasa phase 3 na.

Ayon kay Pangulong Duterte, magtiis lamang ang mga Pilipino hanggang Disyembre at huwag munang lalabas para hindi mahawaan ng virus.

Inihayag ni Pangulong Duterte na unang makakatanggap ng bakuna at libre pa ang mga mahihirap, mga nasa ospital at maging mga nasa middle income.

“Meron akong nakuha from China, magtiis lang kayo ng konti. I could not utter a single thing about roadmap to recovery kasi ang una talaga diyan, medicine,” ani Pangulong Duterte.

“By December, we would be back to normal. By December, tapos ito lahat. Ito ang guarantee ko, ang unang makakatanggap, ‘yung sa mahirap, ‘yung binibigyan ng assistance ng gobyerno, iyong mga nasa ospital, tapos middle income. Libre ito.”