-- Advertisements --
Magsisimula na ang Mandaluyong City sa pagbakuna sa mga hindi residente ng lungsod na nais magkaroon ng proteksyon kontra COVID-19.
Sinabi ng Mandaluyong City government na sa mga interisado, maaring magparehistro muna sa www.mandaluyong.gov.ph/vaccine/.
Makakatnggap ng text o tawag ang nagparehistro mula mismo sa MANDAVAX Call Center para naman sa kanilang vaccination schedule.
Pinapaalalahanan din ng Pamahalaang Lungsod ang mga magpapabakuna na magdala ng government o anumang valid IDs sa araw nang pagpapabakuna.
Iginiit din nila na by appointment lamang ang pagpapabakuna kaya bawal ang mga walk-ins.