-- Advertisements --
Patuloy na bumababa ang COVID-19 reproduction number sa NCR Plus 8, ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David ngayong araw ng Linggo, Oktubre 3, ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region ay bumaba sa 0.83 hanggang noong Oktubre 2, 2021 mula sa 0.98 noong nakaraang linggo.
Samantala, sinabi rin ng OCTA na ang Davao City sa ngayon ay mayroong pinakamataas na reproduction number sa 0.89, na sinundan ng Pampanga at Riza na kapwa nakakuha ng 0.85, habang ang NCR naman ay 0.83.
Sumunod sa Metro Manila ay ang Batangay na mayroong 0.74 reproduction rate, Bulacan na mayroong 0.70, Laguna na may 0.68, Cebu City na may 0.66, at Cavite na may 0.63.