-- Advertisements --
Bumaba na sa tatlong porsiyento ngayon ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, pasok sa five-percent benchmark ng World Health Organization (WHO), ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ito ni OCTA Research fellow Dr. Guido David isang araw matapos na iniulat naman ng Department of Health ang tungkol sa 4.3 percent positivity rate sa buong bansa.
Ayon kay David, maituturing na “milestone” ang pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa Metro manila mula sa dating four percent noong Nobyembre 3.
Ito ay dahil na rin aniya sa malaking volume ng tests na isinasagawa sa ngayon kumpara sa sitwasyon noong nakaraang taon.









