-- Advertisements --

Madalang nang makatanggap ng COVID-19 patients ang Philippine General Hospital (PGH) sa mga nakalipas na linggo.

Ayon sa tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas Del Rosario, sa nakalipas na linggo ang average COVID-19 patients kada araw na isinusugod sa kanil ay nasa dalawa hanggang tatlo lamang.

Malayo aniya ito kumpara sa previous surge na umaabot sa 20 katao kada araw.

Sa ngayon, ilan sa mga COVID-19 patients na admitted aniya sa PGH ay pawang moderate at severe cases na lamang.

Hindi na sila gaanong nakakakita ng mga mild cases ngayon dahil marahil sa bahay na lamang nagpapagaling ang mga pasyenteng ito, ayon kay Del Rosario.

Karamihan naman sa mga COVID-19 patients sa kanilang Intensive Care Unit ay pawang mga unvaccinated na rin, habang ang ilan ay bakunado na pero mayroong comorbidities.

Samantala, kinumpirma naman ni Del Rosario na walang healthcare worker sa kanilang ospital ang nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo.