-- Advertisements --

MANILA – Umabot na sa 10,117 ang bilang ng mga personnel ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

UPDATE: As of 6:00PM of January 30, 2021, the PNP Health Service recorded 35 new recoveries today bringing the total…

Posted by Philippine National Police on Saturday, January 30, 2021

Ayon sa PNP, nadagdagan pa ng 30 ang numero ng COVID-19 cases sa kanilang mga tauhan.

Mula sa higit 10,000 cases, 9,502 na ang gumaling dahil sa 35 new recoveries.

Nananatili naman sa 28 ang total deaths.

Sa ngayon may 587 active cases pa raw ang ahensya.

Nitong Sabado, umabot na sa 523,516 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas.