-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa halos 460,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng 1,754 ang total number of cases kaya sumirit sa 459,789 ang kabuuang bilang.

Hindi pa raw kasali rito ang ang datos ng 12 laboratoryo na bigong makapag-pasa ng ulat kahapon.

“12 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 19, 2020.”

Ang Quezon City ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamaraming bagong kaso ng sakit, na umabot sa 163. Sumunod ang Rizal (104), Benguet at Laguna (83), at Bulacan (61).

Nadagdagan naman ng 8,080 ang bilang ng mga gumaling dahil sa time-based tagging na “Oplan Recovery.” Ang total sa ngayon ay 429,134.

Habang 36 ang bagong naitalang namatay, kaya nasa 8,947 na ang total COVID-19 deaths.

“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 7 were recovered cases.”

“Moreover, 25 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”

Batay sa tala ng World Health Organization, as of December 19, mayroon nang 74,299,042 cases ng COVID-19 sa buong mundo.