Bumababa na ang COVID-19 cases sa Lungsod ng Maynila, ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ng OCTA Research na 1,210 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa Maynila noong Enero 17 base sa report ng Department of Health (DOH).
Ang bilang na ito anila ang siyang pinakamababang bilang ng naitlaang bagong COVID-19 cases sa lungsod mula Enero 4.
Ayon kay Dr. Guido David, sa oras na magpatuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa Maynila, mayroong malaking posibilidad na ang naitatalang bagong kaso sa NCR ay bababa na rin.
Gayunman, kailangan pa rin aniyang manatiling mapagmatyag ng mga residente sa NCR at patuloy ding sumunod sa public health guidance para mapanatili ang downward momentum na ito.
Sa ngayon, 3,413 ang active cases sa Lungsod ng Manila hanggang kahapon, base na rin sa datos mula sa Manila Public Information Office.










