-- Advertisements --
CEBU – Lomobo pa sa 33 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas matapos na madagdagan ng tatlo.
Batay sa inilabas na COVID-19 bulletin ng Department of Health Region VII, mula sa 60 test results na kanilang inilabas, tatlo rito ang nagpositibo sa naturang sakit.
Naka-admit ngayon ang tatlo sa iba’t ibang ospital sa lalawigan ng Cebu.
Sa kabilang dako, dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng mga naka-recover, at anim na ang namatay sa buong Central Visayas dahil sa COVID-19.
Patuloy naman ang mahigpit na monitoring ng DOH at mga kaagapay na ahensiya sa publiko upang ma-iiwasan ang paglaganap pa ng coronavirus.