Inaasahan umano National Task Force Against COVID-19 na tataas pa sa mga susunod na dalawa hanggang tatlong linggo ang COVID-19 cases sa Cebu City.
Sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez, batay sa natatanggap nilang mga data, naikukumpara nila ang sitwasyon sa Cebu sa Metro Manila noong Marso 24 at Abril 13.
Ayon kay Sec. Galez, nakakabahala rin ang nakikita nilang mataas na severe at critical cases, gayundin ang pagtaas ng kaso ng mga namamatay.
Inihayag ni Sec. Galvez, mula rin sa 122 na deaths, 86 dito ang namatay sa loob ng wala pang 48 oras.
Ibig sabihin, hindi agad nade-detect kaagad o hindi nate-test ang pasyente kaya huli na ng malamang positibo sa COVID-19 at severe case na.
Kaya napakahalaga daw ang early testing at detection para maagapan at hindi humantong sa severe case o kaya pagkamatay.
















