-- Advertisements --

Naniniwala ang grupo ng mga eksperto sa University of the Philippines (UP) na posibleng maibaba ng hanggang 50,000 ang bagong COVID-19 patients sa katapusan ng Agosto kasunod ng pagpapatupad muli ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig-lalawigan.

Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng UP OCTA research team, aabot sa 220,000 COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto kung mananatili ang general community quarantine (GCQ) setup.

Ayon kay Rye, nasa 50,000 hanggang 70,000 ang mababawas sa COVID cases dahil sa reimposition ng MECQ.

Inihayag ni Ryue na malaking bagay ang MECQ para mapabagal ang COVID-19 virus transmission sa loob ng 15 araw.