
Inatasan ngayon ang mga Manila court employees na sumailalim na sa self quarantine dahil sa dalawang personnel nito ang nagkaroon ng close contact sa kanilang mga kamag-anak na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019.
Sa memorandum na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Regional Judicial Region Branch 37 sa Manila, inatasan nito ang lahat ng RTC judges at court personnel na nakadestino sa Manila City Hall na mag-home quarantine hanggang Hunyo 30.
Ang naturang hakbang ay para maiwasan din ng mga judges na magkaroon ng contact sa iba pang tao habang isinasagawa ang contact tracing sa lahat ng mga personalidad na nakasalamuha ng dalawang judges.
Ito ang direktiba ng korte matapos nilang konsultahin si Supreme Court (SC) Court Administrator Jose Midas P. Marquez at Assistant Court Administrator Maria Regina Adoracion Filomena M. Ignacio.
Ang mga apektadong korte ay magsasagawa na lamang umano ng hearings sa pamamagitan ng video conferencing sa kanilang mga bahay.
Tatanggap naman sila ng pleadings, motions na ihahain electronically sa period ng self-quarantine alinsunod na rin sa circulars na inisyu ng SC.
Iaanunsiyo pa ang schedued date para sa disinfection at sanitation para ma-assign ang isang staff member ng kada branch na tanggapin ang city hall personnel sa loob ng kanilang mga opisina para i-supervise ang sanitation na isasagawa.
Pagkatapos nito at muli namang isasara ang mga opisina.










