Ipinag-utos ng Court of Appeals sa militar ang pagsasagawa ng komprehinsibo at puspusang pag-iimbestiga sa pagkawala ng dalawang labor organizers.
Sa 46 na pahinang desisyon ng CA, nakasaad na lahat ng respondents sa petsiyon na sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at iba pang senior military officers, at retired Gen. Ricardo De Leon, officer-in-charge ng Department of National Defense (DND) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkawala nina Elizabeth ‘Loi’ Magbanua at Alipio ‘Ador’ Juat.
Inatasan din ng CA ang militar na gamitin ang lahat ng technical at modern technological resources para sa pagtuloy sa kinaroroonan at malaman ang katotohanan sa likod ng kanilang patuloy na pagkawala.
Kailangan din na ang CA ay magsumite ng written report para ipaliwanag ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa loob ng anim na buwan mula ng matanggap ang naturang desisyon.
Samantala, naglabas na rin ang CA ng protective order para sa pamilya nina Magbanua at Juat.
Una rito, huling nakita noong Mayo 3 ang dalawa nang dumalo ang mga ito sa isang pagpupulong ng kasamahang community organizers sa Valenzuela city.