-- Advertisements --

Itinuturing ni Charee Pineda na maagang Christmas gift bukod pa sa “answered prayer” ang ligtas na panganganak niya sa first baby nila ng mister.

Bouncing baby boy ang kanilang panganay na pinangalanang Martell Francesco Soledad.

Charee P 4
@chareepineda First, Thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe. Thankful for our families & friends who’s been praying for us,”

Sa panig ng kanyang mister na Martell din ang pangalan, 34 weeks pa lamang ang ipinagbubuntis ng 30-year-old actress ngunit lagi kinakausap ang nasa sinapupunan na sana’y magkita sila bago ang araw ng Pasko.

“‘Yung mommy kasi panay kausap kay baby na before Christmas magkita na daw sila. Lumabas tuloy agad. Hehe thank you po sa lahat ng nagdasal for Charee and baby,” saad nito.

Nitong Pebrero nang ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding sa Valenzuela City Hall matapos ang pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Si Martell Soledad ay pinsan umano ni Shalani Soledad-Romulo na dating girlfriend ni former President “Noynoy” Aquino.

Ang Fil-Am politician ay nakilala sa “Angelito: Ang Batang Ama.