ILOILO CITY – Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang councilor at isang abogado sa lungsod ng Iloilo kasabay ng pagsailalim ng lungsod sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma mismo ni Iloilo City Councilor Jay Treñas na nagpositibo ito sa virus.
Base sa post ng konsehal, asymptomatic ito at sumasailalim na sa 15 araw na quarantine.
Hindi naman matiyak ni Treñas kung paano ito nahawaan ng sakit.
Samantala, ni-lockdown naman ang Ramon Q. Avanceña Hall of Justice sa lungsod matapos nagpositibo sa virus ang isang abogado na nagkaroon ng exposure sa isang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na umattend pa sa court hearings sa hall of justice ang nasabing abogado na isang senior citizen.
Nakatakda namang bumalik ang regular na trabaho sa Lunes, Setyembre 28.
















