-- Advertisements --

Pumalo na ng 1-M katao sa buong mundo ang gumaling mula sa 2019 coronavirus infectious disease batay sa huling datos na inilabas ng Worldometer.

Nangunguna rito ang Estados Unidos na nay 147,111 recoveries. Sumunod naman ang Spain na may 132,929 recoveries, pangatlo ang Germany na may 12,400 recoveries.

Sa ngayon ay umabot na ng 3,220,268 katao ang infected ng coronavirus sa buong mundo habang 228,224 na ang namamatay.

Samantala, wala namang naitalang bagong kaso ng domestic infection sa South Korea matapos nitong marating ang peak ng outbreak noong Pebrero 29.

Ayon sa Korean Centers for Disease Control and Prevention, mayroon na lamang silang apat na kasong binabantayan ngunit lahat ng mga ito ay mula sa ibang bansa. Nakapagtala na ng 10,765 kumpirmadong kaso ng virus sa South Korea.