-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Health Commission sa China na nakapagtala ng 26 na bagong kaso ng coronavirus sa bansa. Ito ay mas mababa ng 46 cases kumpara kahapon.
Napag-alaman ng health authorities na 15 sa mga kasong ito ay nagmula sa labas ng bansa habang ang natitirang 11 kaso ay locally transmitted.
Dahil dito ay pumalo na sa 82,367 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa China. Umakyat naman ng 66 ang bilang ng asymptomatic cases.
Hindi naman sinasama ng China sa bilang ng mga confirmed cases ang mga pasyenteng nakararanas ng ubo at lagnat.
Sa ngayon ay wala pa ring dumadagdag sa bilang ng mga namamatay sa China dahil sa COVID-19.