-- Advertisements --
Lumobo pa sa 4,711,676 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos mula sa mga eksperto, 2,551,293 (98%) ang nasa mild condition, habang ang mga nasa malubang kondisyon ay nasa 44,629 (2%).
Pinakamarami pa ring nagpositibo sa Estados Unidos na may 1,504,104 kaso; sumunod ang Spain na may 276,505; at nasa ikatlong puwesto ang Russia, 272,043.
Samantala, umakyat naman sa 1,803,536 ang nakapagpagaling na mula sa deadly virus.
Habang pumalo pa sa 312,218 ang COVID-19 death toll.