-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Converge FiberXers ang Terrafirma Dyip 125-108 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng Converge si Juan Gomez de Liano na nagtala ng 17 points, 10 rebounds at 12 assists habang mayroong 10 points, limang rebounds si Larry Muyang sa laro ng ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Mayroon ng dalawang panalo at isang talo ang FiberXers habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at dalawang talo.

Nasayang ang nagawang 16 points ni Jerrick Ahanmisi habang 13 points at anim na rebounds at dalawang blocks ng rookie na si JM Bravo para sa Dyip.