-- Advertisements --
Nangibabaw ang Converge FiberXers laban sa Rain or Shine 107-97 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng Converge sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Nanguna sa panalo ng koponan si Alec Stockton na nagtala ng 24 points ganun din ang nagawa ni Schonny Winston.
Nag-ambag naman ng 18 points, 17 rebounds si Justin Arana habang mayroong 13 points, 22 rebounds si Justin Baltazar.
Nasayang naman ang nagawang 26 points ni Santi Santillan para sa Rain or Shine.