-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin ang mga health officials sa US sa pag-trace ng mga nakasalamuha ni US President Donald Trump at asawa nitong si Melania matapos na sila ay magpositibo sa coronavirus.

Ayon sa White House na nakaranas ng mild symptoms ng COVID-19 ang dalawa kaya nagpositibo sila sa isinagawang test.

Tiniyak naman nila na nasa mabuting kalagayan ang dalawa at patuloy pa rin ang ginagawa nitong trabaho kahit naka-isolate.

Pinawi naman ng doctor ni Trump na si Dr. Sean Conley ang pangamba na baka matagalan bago gumaling si Trump dahil sa bukod sa 74 na ang edad nito ay mayroong bigat ito ng 244 pounds na nasa kategorya na pagiging Obese.

Sinabi ni Conley na kahit na sa ganoong kalagayan ay nananatiling malusog ang US President.

Samantala, nag-negatibo naman sa COVID-19 sina US Vice President Mike Pence at asawa nito ganun din ang katunggali ni Trump sa pagkapangulo na si Democrats presidential candidate Joe Biden at asawang si Dr. Jill.