Pinapayagan na ang contact sports sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, kabilang na ang Metro Manila.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing sa isang panayam, ang contact sports tulad ng basketball ay pinapayagan na pero mahigpit naman niyang ipinapaalala na kailangan nasusunod pa rin ang health protocols.
Base sa guidelines ng IATF, 50 percent lamang ng mga indoor facilities ang pinapayagan, habang ang outdoor areas naman ay 70 percent at para lamang sa mga fully vaccinated na.
Kasama na rito ang mga edad 18 pababa kahit pa sila ay hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Iginiit ni Densing na ang desisyon na ito ng pamahalaan ay dumaan sa mga pag-aaral at inindorso rin mismo ng mga health experts mula sa technical advisory group.
Isa sa mga dahilan kung bakit ito nangyari ay ang pinabuting vaccination drive sa ngayon sa bansa.