-- Advertisements --

Asahan na raw ang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin dahil sa nagaganap na digmaan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na apektado rito ang global at domestic crude prices at asahang magkakaroon pa ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Dahil dito, ang forecast nilang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na 2 percent ay posibleng maging 4 percent.

Ang inflation outlook naman para sa 2023 ay posibleng pumalo pa sa 3.6% mula sa kanilang pagtaya na 3.3 percent noong nakaraang buwan.

Inaasahan na raw na maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa nangyayaring digmaan sa Ukraine matapos lusubin ng Ukraine dahil ang dalawang bansa ay major exporters ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas gaya ng langis, trigo, aluminum, natural gas at fertilizer.

Naniniwala naman si Diokno na ang kasalukuyang sitwasyon daw ay mareresolba sa pamamagitan ng non-monetary measures.