-- Advertisements --

Sarado ngayong araw ang mga consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon kasunod nang pag-alburuto ng Taal Volcano.

Sa isang advisory, sinabi ng DFA – Office of the Consular Affairs na ang kanselasyon ng kanilang operasyon ay alinsunod na rin sa direktiba ng Office of the President.

Pinapayuhan ng DFA ang mga aplikante na may confirmed appointments ngayong araw na bumalik na lamang sa Huwebes.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez na magbabalik muli ang kanilang operations bukas.