-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang construction worker matapos mawalan ng kontrol sa pinagmamanehong motorsiklo sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Michael,33-anyos, residente ng Brgy.Lusacan, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni alyas Michael ang kahabaan ng Eastbound Lane ng Tiaong to San Antonio Road, Brgy. Quipot, Tiaong, Quezon ng bigla na lamang itong mawalan ng kontrol at bumangga sa isang bato.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa lakas ng impact bumangga pa ang biktima sa isang steel post na naging dahilan sa agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing insidente.