-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang mga mag-asawa na panatilihing bigyang halaga ang pagpapalano ng pamilya sa gitna ng umiiral na community quarantine.

Ito ay para na rin aniya maiwasan ang unplanned pregnancies sa panahon ngayon kung saan mahigpit na ipinapatupad ang stay-at-home policy.

cKaya naman kabilang sa mga ibinibigay na relief assistance ng lungsod para sa kanilang mga residente ay mga condoms. 

Binigyan diin ng alkalde na ang responsableng pagplano ng pamilya ay kabilang pa rin sa kampanya ng lokal na pamahalaan kahit na patuloy ang mga hakbang ng bansa laban sa Covid-19 pandemic.