-- Advertisements --

Kinansela na ni Bruno Mars ang kaniyang concert sa Tel Aviv, Israel.

Sinabi ng concert organizer matapos ang naganap na pag-atake ng mga Hamas militants sa Israel.

Unang isinagawa ang concert nito noong Miyerkules ng nakaraang linggo na mayroogn 60,000 ang nanonood.

Isasagawa sana ang ikalawang concert nito nitong Sabado subalit dahil sa insidente ay hindi na nila itinuloy.

Hindi naman na binanggit ng mga organizers kung ililipat ang nasabing petsa ng konsiyerto.