Napanatili ng Bureau of Internal Revenue(BIR) ang 100% na compliance rating nito sa 8888 Citizens’ Complaint Center (8888 CCC).
Ito na ang ikalawang sunod na pagkakataon na nagawa ito ng naturang ahensiya.
Batay sa naging report ng 8888, mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan ay umaabot sa 962 concern ang natanggap ng ahensiya at natugunan kaagad.
Nagawa umano ng BIR na maresolba ang mga ito sa loob ng 72-hour compliance period.
Dahil sa magandang record, sinabi ng Citizens’ Complaint Center na nagawa ng ahensiya na makakuha ng mataas na compliance rating at resolution rating.
SA panig ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, sinabi niyang nagpapakita ang magandang rekord ng BIR sa commitment nitong makapagbigay ng epektibong solusyon sa mga problema o hinaing ng mga taxpayers sa buong bansa.