-- Advertisements --
images 3

Nagtatag ang Laguna Provincial Police Office (LPPO) ng Kontra-Bigay committee at complaint center laban sa pagbili ng boto sa barangay elections sa Oktubre 30.

Binanggit ng hepe ng pulisya ng Laguna na si Police Col. Harold Depositar ang Commission on Election Resolution No. 10946 na inilabas noong Agosto 30, 2023, bilang batayan para sa paglikha ng pasilidad.

Ani Depositar, nagtatag sila ng komite ng Kontra Bigay kasabay ng Kontra Bigay Complaint Center at mga kaugnay na tuntunin at regulasyon bilang bahagi daw ng kanilang pangako sa pagtaguyod ng integridad ng halalan at pagtiyak na malayang bumoto ang mga botante nang walang anumang uri ng pamimilit.

Hinimok ni Depositar ang mga tao na maging bahagi ng kampanya sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga insidente ng pagbili ng boto sa Laguna sa Konta Bigay complaint center.