Inanunsyo na ni Presumptive president Joe Biden ang bubuo sa kanyang White House communications team.
Naging kapansin-pansin na puro babae ang pinili ni Biden na bubup sa kaniyang communications team. Kauna-unahang beses itong nangyari sa buong kasaysayan ng Estados Unidos.
Ilan sa mga bumubuo sa all-female senior White House communication team ay si Jen Psaki, na magsisilbi bilang White House press secretary.
Si Psaki, 41-anyos, ay dati nang nagsilbi sa ilang senior positions, kasama na rito ang pagiging White House communications director sa ilalim ng Barack Obama-Biden administration.
Kung maaalala, isinusulong nina Biden at Presumptive Vice President Kamala Harris ang diversity sa kanilang mga appointments at nominations bago pa man kapwa pormal na manumpa sa Enero 20.
Kasama rin dito ang campaign manager ni Biden na si Kate Bedingfield bilang White House communications director.