-- Advertisements --

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Magsisimula ito sa December 12, 2022 at magtatapos ito sa January 31, 2023.
Ang mga gustong magpa rehistro ay puwedeng pumunta sa office of the election officer o satellite registration sites sa kanilang mga area mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Kung maalala ang barangay at Sangguniang Kabataan elections ay isasagawa sana sa December 2022.
Pero ipinagpaliban ito sa October 2023.










