Nagpaplano ang Commission on Elections (Comelec) na magtatag ng satellite prison registration sites, ayon yan kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Xavier Solda.
Noong Setyembre, pinahintulutan ng Korte Suprema ang mga kwalipikadong taong pinagkaitan ng kalayaan (PDL) na magparehistro at bumoto.
Ani Solda, doon sa recent guidelines ng Commission on Elections, mag-eestablish kasi ng mga special satellite registration centers sa jail facilities, at ang Comelec umano mismo ang pupunta sa mga pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para isagawa ang special registration.
Gayunpaman, binanggit ni Solda na ang komisyon ay nalulula sa kasalukuyang trabaho nito, dahil mas maraming Pilipino ang nagtatangkang magparehistro para bumoto sa mga tanggapan ng Commission on Elections.
Una na rito, kamakailan ay pinayagan ng Bureau of Jail Management and Penology ang mga pisikal na pagbisitang muli pagkatapos ng dalawang taon na kung saan dapat sundin ng mga bumibisita ang mga alituntunin na itinakda ng mga pasilidad, kabilang ang paunang pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng kulungan, at mga pagbabakuna sa COVID-19 o negatibong resulta ng RT-PCR/antigen test.