-- Advertisements --

Inendorso ng Commission on Appointments committee ang kumpirmasyon ng ad interim appointment ni Nelson Java Celis bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Ipagpapatuloy ni Celis ang hindi pa natatapos na bahagi ng trabaho ni dating Comelec Commissioner Aimee Torrefrana-Nerin sa nagdaang termino nito.
Ang bagong commission on elections commissioner na si Nelson Celis ay uupo sa pagkakatalaga nito hanggang February 2, 2029.
Kaugnay niyan, si Celis ay kabilang sa mga opisyal na ang mga appointment ay na-bypass ng Commission on Appoinments noong buwan ng Setyembre na kung saan muling itinalaga si Celis sa puwesto noong Oktubre 3,2022.