-- Advertisements --

Nanawagan ang  Commission on Elections sa publiko na bantayan ang mga pulitiko na nagsisimula nang magpatakbo ng mga political advertisements o  premature campaigning kahit na hindi pa nagsisimula ang campaign period para sa May 2025 national and local polls.

Sa isang panayam, muling binigyang diin ni Elections chairman George Garcia ang kanilang pagbabawal sa paraan ng pangangampanya.

Nilinaw rin nito na mandato lamang ng komisyon na ipatupad ang batas.

Una nang inanunsyo ng poll body noong Marso ang plano nitong muling pagpapatupad ng ban sa premature campaigning para sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

Ito ay matapos na matagumpay na ipatupad ng poll body ang premature electioneering prohibition noong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong 2023.

Inilabas ni Garcia ang pahayag nang mapansin niya kung paano nagsimulang magpalabas ng mga advertisement ang ilang pulitiko sa telebisyon at social media.

Kabilang aniya sa mga mayroon nang political advertisement sina Senators Imee Marcos at Francis Tolentino, habang si Sen Bong Go ay dati nang may ilang tarpaulin na nakapaskil sa buong bansa.