Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na mayroon na ngayong halos pitong milyong bagong rehistradong botante para sa botohan sa Mayo 9.
Sa nasabing bilang ay hindi pa kasama rito ang mga Sangguniang Kabataan na nakapagtala ng 1,520,500.
Ang SK ay isang konseho na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na lumahok sa lokal na pamamahala.
Sa pinakahuling datos ng Comelec, mayroong 65.8 milyong rehistradong botante para sa darating na halalan.
Samantala, 755,769 registration records ang nakansela dahil sa pagkamatay.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na posibleng mas marami pang indibidwal ang hindi maalis sa listahan ng mga rehistradong botante.
Nanawagan si Garcia sa mga miyembro ng pamilya o mga kamag-anak ng mga namatay na botante na isumite ang kanilang death certificates sa lokal na tanggapan ng Comelec para matanggal ang pangalan sa listahan ng mga botante.










