-- Advertisements --

Hinikayat ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na maayos na ihain sa kanila ang mga reklamong may kaugnayan sa eleksyon.

Sa press briefing na isinagawa ng National Board of Canvassers for the 2022 National and Local Elections ay muling ipinaliwanag ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na mayroong kaukulang proseso ang komisyon hinggil sa rules of procedure at suppletorily na applicable naman aniya sa rules of court.

Aniya, kung mayroon mang mga sitwasyon kung saan ay kinakailangang ideklara ang failure of election sa isang lugar ay tatanggapin nila ito nang ganon ay agad aniya itong maimbestigahan ng komisyon, makapagsagawa ng mga pagdinig, mapagdesisyunan kung ano ang mga karapat-dapat na hakbang ang kanilang kailangan gawin batay sa mga ebidensyang ilalatag sa kanila.

Muli ring hinimok ni Laudiangco ang lahat na sa halip na magsagawa ng rally na maaari pang mag-ugat sa kaguluhan at di pagkakaunawaan ay mas mabuti aniyang sundin na lamang ang tamang proseso para maging solusyon ang ganitong mga klaseng usapin.

Magugunita na una rito ay may ilang grupo ng mga kabataan ang nagsagawa ng rally sa harap mismo ng tanggapan ng Comelec upang ipahayag ang kanilang pag-aaklas at di pagsang-ayon sa posibleng pagkapanalo ni Presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos Jr. matapos nitong malamangan sa bilang ng mga boto si Vice President Leni Robredo