-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang mga local absentee voting ballots na ihatid sa national office sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang Philippine Navy ay hindi pa naghahatid ng single ballot dahil sa logistical problems.

Sa ngayon, nasa kabuuang 40,000 local absentee voting ballots ang naihatid na sa Commission on Elections (Comelec) main office ngayong araw.

Ang mga balota na natanggap ng Comelec ay mula sa :

Philippine Army: 11,305
Philippine Air Force: 2,618
Philippine National Police: 22,794
Department of Education: 820
Bureau of Jail Management and Penology: 738
Bureau of Fire Protection: 47
Media: 809
Comelec: 687
Department of the Interior and Local Government: 13
Philippine Coast Guard: 157
Department of Foreign Affairs: 1
Public Attorney’s Office: 2
National Power Corporation: 9

Inihayag ng Comelec na may kabuuang 84,357 na botante ang pinayagang maka-avail ng local absentee voting (LAV), na ginanap noong Abril 27 hanggang 29, 2022.

Gayunpaman, ang mga aplikasyon ng 9,341 indibidwal ay hindi naaprubahan dahil sila ay hindi nakarehistro o na-deactivate.

Ang poll body ay nagpapahintulot sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno, miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, gayundin ang mga manggagawa sa media, kabilang ang mga photojournalist, documentary maker, technical at support staff, blogger, at freelance na mamamahayag na mag-avail ng lokal absentee voting.

Samantala, ang tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila ay patuloy na tumatanggap ng local absentee voting ballots.