-- Advertisements --
Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na oobligabin nila na magpaliwanag sa en banc meeting ang finance director ng komisyon.
Kasunod ito ng report ng Commission on Audit (COA) hinggil sa P1.6 billion na unliquidated cash advances ng mga opisyal at empleyado ng Comelec para sa huling bahagi ng taong 2018.
Malaking bahagi nito ay napunta sa biyahe sa loob at labas ng bansa ng mga opisyal at kawani ng poll body.
Ayon kay Guanzon, sisikapin niyang makakuba agad ng kopya ng nasabing COA report.