-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Sa unang pagkakataon, maaari ng agad na ma-reject o idiskwalipika ng mga field office ng Commission on Elections (Comelec) ang mga aspiring candidates na overage na, underage o hindi pa rehistradong botante para sa Barangay at Sangguniang kabataan elections na idaraos sa Oktubre 30.

Kaugnay nito, inaasahang maglalabas ang poll body ng bagong panuntunan bago magsimula ang filing ng certificates of candidacy (COCs) sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 ng kasalukuyang taon.

Nagbabala si Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi na tatanggapin ang mga nais tumakbo sa SK elections na mahigit 24 anyos ang edad sa mismong araw ng halalan.

Sa mga nais namang kumandidato para sa barangay election, sa oras na makitang hindi pa rehistrado ang mga ito, huwag na aniyang tangkain pang maghain ng COC dahil hindi na ito tatanggapin.

Sa bagong patakaran, hindi aaksyunan ng poll body ang libu-libong mga kaso para kanselahin ang COCs ng mga indibidwal na hindi naman dapat maghain ng kanilang kandidatura sa una pa lamang.

Paliwanag ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na nais lamang anilang maulit pa ang nangyari sa barangay election noong 2018 kung saan naghain ang poll body ng nasa 6,000 special action cases para kanselahin ang COCs na karamihan ay mga kabataan na overage na dahil naghain sila ng CIC kahit pa sila ay diskwalipikado o lagpas na sa 24 taong gulang ang edad sa mismong araw ng halalan.

Sa ilalim ng batas, lahat ng mga kandidato ay dapat na registered voters sa barangay kung saan nila nais tumakbo para sa halalan.

Ang isang kandidato para sa barangay council ay dapat na isang Filipino citizen na marunong magbasa at magsulat, isang rehistradong botante sa barangay kung saan nito nais kumandidato at isang residente sa loob ng isang taon bago ang mismong araw ng halalan.