-- Advertisements --

Sinisisi ng “Hatid Tulong” program organizers ang mga colorum van na nagpapasakay at nagpapauwi sa mga locally stranded individuals (LSIs) kung kaya tumataas ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang probinsya.

Sinabi ni Assistant Secretary Joseph Encabo ng Hatid Tulong Program, ito ang dahilan kung kaya nagpasaklolo na sila sa Philippine National Police (PNP) para hulihin ang mga colorum van.

Ayon kay Asec. Encabo, dalawang colorum van na may sakay ng nga LSIs at pauwi ng Samar ang nahuli.

Hindi kasi umano dumadaan sa rapid at swab test ang mga LSIs na sumasakay sa colorum van.